Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasamaan ni Arjo, ‘di pa sukdulan sa Ang Probinsyano

061015 Arjo Atayde coco Martin

00 fact sheet reggeeSPEAKING of halimaw umarte, walang kasing samang kontrabida si Arjo Atayde bilang si Joaquin na talagang lahat ng nakakapanood ng Ang Probinsyano ay napapailing sa galing ng aktor.

Nabanggit nga namin ito sa taga-Dreamscape Entertainment na maraming humahanga kay Arjo na televiewers dahil ang sama-sama niyang kontrabida ni Coco Martin.

“Hindi pa todo ‘yun, papasimula pa lang, papa-akyat palang ‘yung kasamaan niya, magkakaroon siya ng moment na talagang sobrang sama,” banggit sa amin.

‘Huh, di nga’ balik-tanong namin sa kausap namin, ”oo nga, hintayin mo, wala pa ‘yan,” sabi ulit sa amin.

Sabagay, puro pang-aasar at pailalim palang ang mga ginagawa ni Joaquin kay Cardo baka ang susunod ay pisikalan na o gagantihan na nito ang pamilya o mga mahal sa buhay ng probinsiyanong pulis.

Anyway, masaya kami para kay Arjo dahil ito ang big break na hinihintay niya sa career niya kaya naman pinagbubuti niya at pawang positibo naman ang lahat ng naririnig naming komento sa kanya.

“Okay makisama si Arjo, hindi showbiz, magalang at masunurin, inaaral niya ang papel niya kaya kasundo niya ang lahat ng tao,” sabi sa amin ng taga-production ng Dreamscape Entertainment.

Hmm, sigurado kami, hanggang tenga rin ang ngiti ng magulang ng aktor na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …