Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, na-starstruck kay Maja kaya nahirapang umarte

120515 Maja Salvador bela padilla

00 fact sheet reggeeMAY rason pala kung bakit tila nahirapang umarte si Bela Padilla sa mga unang eksena niya kasama sina Maja Salvador, Onyok, at Coco Martinsa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Ito ‘yung sinugod ni Bela si Coco sa pag-aakalang asawa niya sa bahay nito na dinatnan niya sina Maja at Onyok.

Gigil na gigil ang reaksiyon ni Bela, pero nakulangan kami at maging ang mga nakapanood samantalang si Maja ay mata lang ang gumalaw dahil nga hindi rin niya alam ang gagawin dahil hindi pa naman buking na si Coco ay bilang si Cardo na at hindi na si Ador.

Sobrang starstruck pala si Bela kay Maja kaya medyo na-awkward siya nang magkaharap silang dalawa.

Kuwento sa amin ng taga-ABS-CBN, ”siyempre, natulala si Bela kasi ba naman, Maja Salvador ‘yung ka-eksena niya, eh, ang galing-galing ni Maja. Pero kita mo naman ngayon, palaban na si Bela, napapanood mo ba?”

Oo nga, malaki na ang pagbabago ngayon ni Bela dahil kontrolado na ang facial expression niya at pasasaan ba’t mahahasa rin siya dahil halos lahat ng artistang kasama sa Ang Probinsiyano ay pawang mga ‘halimaw’ umarte.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …