Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, balik-Kapamilya Network na!

120315 Mariel Rodriguez Toni Gonzaga bianca gonzalez

00 fact sheet reggeeSA ginanap na panayam kay Mariel Rodriguez-Padilla ni Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda noong Lunes ng gabi ay pawang magagandang komento ang narinig namin sa mga nakapanood.

Iisa ang sabi ng lahat, “tama lang na bumalik na siya sa ABS-CBN, mas bagay siya sa ABS.”

Ito rin naman ang sinabi ni Mariel, “I felt home. It felt like home,” nang mapanood siya loob ng Bahay ni Kuya sa katatapos na PBB 737 at hanggang maging co-host siya nina Toni Gonzaga-Soriano at Bianca Gonzales-Intal sa pagtatapos ng reality show na ginanap sa Naga City.

Sabi ni Mariel nang matanggap niya ang imbitasyon na maging parte siya sa finale ng PBB 737, “when I got the text that they wanted me to be part of their Big Night, I couldn’t believe it at first. Sabi ko, ‘Is this for real?’ When I got it, I was in Europe. Tapos I felt so honored.”

At ang pinaka na-miss niya, “it was my friendship with Toni (Gonzaga). ‘Yun ang pinaka-na-miss ko. It felt so good kasi iba na kami ngayon, may asawa na kaming dalawa. Iba na ang perspective namin sa life, ‘yung views namin sa buhay. Iba na, mas mature na kami. It felt so good. I missed my friend Toni.”

Simula kasi noong nawala si Mariel sa ABS-CBN ay hindi na sila nakakapag-usap ni Toni at huli silang nagkita noong ikasal siya kay direk Paul Soriano.

Samantalang si Bianca naman ay parating nakaka-text ni Mariel kaya pakiwari niya ay hindi niya gaanong nami-miss ang bagong mommy.

At isa sa mga araw na ito ay mapapanood na si Mariel sa ABS-CBN dahil, “I had a meeting today and I’m so happy. I’m so excited. We can’t announce it yet but it’s in the works. I’m so happy. God is so good sobra.”

Hmm, kailan naman kaya susunod si Robin Padilla sa asawa?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …