Thursday , June 4 2026

Subpoena king ng Port of Manila inireklamo sa NBI

00 parehas jimmyMATAGUMPAY ang 79th NBI anniversary dahil sa ganda ng ginawa nila sa pamumuno ni Director Virgilio Mendez.

Pinasalamatan niya lahat ng rank and file employees ng NBI dahil sa magandang contribution nila sa ahensiya. 

Napaayos at pinaganda pa ang NBI firing range sa kanyang inisyatiba sa tuong mismo ni Lucio Tan. Pinasalamatan rin nya si Mr. Ramon Ang na palaging nandiyan sa mga adhikain ng NBI.

Maraming binigyan ng award, kabilang ang NBI agents na nagbubuwis ng buhay sa kanilang tungkulin at  ganoon din ang mga media.

Isa po ako sa pinalad na mabigyan ng award sa NBI.

Mabuhay ang NBI!

***

Grabe na pala talaga ang reklamo sa isang alias Mendoza. Sabi ng ating source, “Sir Jimmy ano ba ang kasalanan namin? Grabe boss, buong Visayas at Mindanao ang laki daw ng tara nito? Tara dito tara doon. Director na daw siya ng pelikula.”

Hinaing pa ng isang importer, “Boss mamumulubi kami sa sobrang tara at ‘di na namin kaya.”

Kaya nagsadya na kami sa NBI para humingi ng tulong, kakaiba po ang Mendoza na ito. Di naman daw niya item ‘yun. Kaya sasampahan namin siya sa Anti-Graft ng NBI at Anti-Fraud. Ano ba ang nangyari sa ating bansa puro pahirap at ang daming namumulubi dito kay Mendoza?

Sasampahan din daw nila ng kaso sa Ombudsman, ganoon pala ‘yan mula naging director ‘di na pwede ang 5k, kailangan pala 50k!?

Nampusa naman!

Subpoena king, ano ba ‘yang ginagawa mo? Kawawa ang bayan!

Pati waw mga empleyado ng Customs, sinu-subpoena niya para magkatara, ano ba ‘yan?

***

Maraming mapagkunwari talaga na taga-customs lalo ‘yung ibang hao-shiao na akala mo ang linis-linis sa BOC pero ang lakas naman tumara.

Oy wag kayong magyabang dahil wala  naman kayong item sa customs!

Sa susunod na issue, tatalakayin natin ang kabalbalan ni subpoena king!

***

Matagumpay ang 1st shootfest ng ARAI (ADUANA REPRTER’S ASSOCIATION INC.) nitong nakaraang sabado sa PNP-Southern Police District firing range na dinaluhan mismo ni DepComm IG ret. Gen. Jessie Dellosa na hindi pa rin kumukupas sa pagbaril.

Dumating din si SPD Director P/CSupt. Henry Salvo Rañola Jr., ang President ng CLEX na si Atty. Edward Ibera, ganoon din si CIIS agent Troy Tan, Coll. Manny Mamadra, Basset Lucman, Junny Guadalupe, mga shooters from Air force at iba pang grupo ng mga gun club.

Mabuhay ang Aduana Reporters Association  Incorporated na binubuo ng mga beteranong mamamahayag.

Thank you very much sa lahat ng sumoporta sa ARAI.

Mabuhay kayong lahat!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …