Saturday , November 23 2024

Kotse ni Jobert, sumalpok sa concrete barriers

112315 jobert austria

NADESGRASYA ang mainstay ng Banana Sundae  na si Jobert Austria aka Kuya Jobert sa Araneta Avenue corner Del Monte, Quezon City. Sumalpok ang kotse ni Jobert sa isang kariton na may mga kalakal. Bumangga siya sa concrete barriers nang makaladkad ang kariton.

Sumakit ang kanyang likuran, nasugatan ang kanyang braso at ibang parte ng katawan.

Isa si Kuya Jobert sa pinupuri ng cast ng Banana Sundae dahil mabilis ang pick-up niya para magpatawa at may timing talaga.

Speaking of Banana Sundae,  may kasabihan na kung wala namang sira, hindi kailangan palitan, baguhin, o ayusin, kaya patuloy na nagpapasaya lang ang comedy show sa bago nitong timeslot tuwing linggo simula noong November 15.

Pumalo ng 14.4% ang national TV rating ng Banana Sundae ayon sa datos na nalikom ng Kantar Media.

Wala namang pinagbago ang show kundi sa pagiging mas kuwela, mas magulo, at mas nakatatawang bersiyon nito na siya namang kinagigilawan ng mga manonood ng show na pitong taon ng umeere. Patok na patok kasi sa mga manonood ang kanilang Kantaranta, Baby Boy and Baby Girl, at Make Me Rap na mga segment.

Naging mas espesyal pa nga ang pilot episode ng Banana Sundae dahil nagbabalik na ang komedyanang si Pokwang at isinama pa si Jessy Mendiola, na ipakikitang mayroon din siyang funny side bukod sa pagdagdag ng kaseksihan kasama ang iba pang kababaihan ng Banana Sundae.

Bukod pa riyan, idinedicate ng cast ang isang buong Make Me Rap segment sa natatanging original Banana Split girl na si Angelica Panganiban na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Maluha-luha pa nga si Angelica nang magpasalamat sa itinuring niyang extended family at ang kanyang kahilingan sa kaarawan ay hindi mabuwag ang kanyang pamilya sa Banana Sundae.

Hindi rin naman mawawala ang ibang bida sa Banana Sundae tulad nina John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz.

Pinamumunuan ang Banana Sundae nina direk Bobot Mortiz at Linggit Tan-Marasigan na nagsisilbing executive ng production kasama sina Rocky Ubanabilang executive producer, Willy Cuevas bilang creative manager, at Roderick Victoria bilang head writer.

Ang Banana Sundae ay mapapanood tuwing Linggo pagkatapos ng  ASAP20. Ang iba pang weekend comedy shows ng Kapamilya Network ay binubuo ng Goin’ Bulilit, Luv U, at Home Sweetie Home.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *