Thursday , May 2 2024

Andi, personal choice ni Direk Carlo para sa Angela Markado

111615 ANDi Angela Markado
SI Andi Eigenman ang 1st choice ni Direk Carlo Caparas para gampanan ang classic film na Angela Markado kaya naman mali ang balitang hindi ang aktres ang first choice ng director.

Ani Direk Carlo, taglay ni Andi ang mga katangian para maging isang Angela Markado na ang mga kuwalipikasyon na hinanap ng director ay ‘yung may pagka-inosente ang hitsura at magaling umarte. Lahat daw nito ay tinataglay ni Andi.

Dagdag pa ni Direk Carlo, napahanga siya ni Andi sa dedikasyon nito sa  trabaho dahil nga sobrang mahirap ng role nito na isang rape victim na halos mabugbog ang buong katawan.

Kabituin ni Andi sa Angela Markado sina Polo Ravales, Ana Roces, Marita Zobel, Bembol Roco, Bret Jackson, Mica Dela Cruz, Buboy Villar, Bugoy Carino, Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, at CJ Caparas with special participation ni Atty. Percida Rueda-Acosta under Oro De Siete Productions Inc . at Viva Films. Mapapanood na ito sa December 2.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *