Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, initsapuwera sa GMA Christmas Station ID

011015 Jennylyn Mercado

00 fact sheet reggeeIISA ang tanong ng loyalistang supporters ni Jennylyn Mercado, ”bakit po hindi kasama si Jen sa Christmas Station ID ng GMA?

Nagtanong naman kami sa mga taong kinauukulan tungkol dito dahil wala naman kaming alam.

“Hindi available si Jen the time na nag-shoot sila ng station ID, pero after ng ‘Starstruck’ (Biyernes), kukunan na,” sabi sa amin ng taga-GMA.

Hirit pa ng kausap naming taga-GMA, ”isisingit na lang siya (Jennylyn), pati nga sina Regine (Velasquez) at Nora (Aunor) ngayon (Biyernes) din kukunan.”

Ganoon naman talaga ang nangyayari na kapag hindi puwede ang artista ay kinukunan na lang ng hiwalay at saka isisingit at hindi halatang naisingit kung maganda ang editing, ‘di ba Ateng Maricris.

Hindi lang naman sa GMA nagkaroon ng ganitong isyu, maging sa ABS-CBN din ay may malaking artistang hindi nakunan noon dahil kaliwa’t kanan ang trabaho pero nagawang isingit, ‘yun nga lang nagka-problema sa suot nito kaya ang ginawa ay ipinatong ang mukha sa ibang tao na in fairness ay hindi rin halata kung hindi alam ang kuwento at kung hindi mabilis ang mata ng viewer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …