Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palabuzz, kalaban ng YouTube sa internet

111015 palabuzz

WHAT’S the buzz?

What comes to mind when you hear the words branding, video production o kaya eh, in-house talent management?

Gumagawa ng maraming bagay. Na? Digital! Eto na kasi ang mundong iniikutan natin!

Kaya naitatag ang Buzz Productions na ang mga nasa likod ay ang mga taong may pinatunayan na sa pagiging digital marketer nila—ang Jump Digital Asia ninaJed Marcaida at Noel Escondo.

Ito na raw ang bago nating TV.  Dahil sa mga sinimulan nilang online projects gaya ng Palabuzz Facebook channels. Mga pahina ito ng Facebook na naka-focus ang content sa sari-saring paksa sa iba’t ibang digital media.

Kaya may makikitang Palabuzz Feed, Palabuzz Home, Palabuzz Shorts plus News, Food, at Music.

Nakadalawang buwan na ang Palabuzz Feed at more than 3 million video views na ang na-gather at 10 million na sa bawat Palabuzz.

At para mas mag-enjoy ang mga manonood sa mga ihahatid na palabas, limang talents ang kinontrata para sa mga online videos na matutunghayan.

Ang Star Magic talent na si Chokoleit na hindi naman daw masasagasaan ang trabaho sa telebisyon at pelikula; ang produkto ng Punchline at Laffline na si Iyah Mina; ang YouTube sensation na si Bekimon; ang former G-Force member na siJan Stephen Noval, at ang commercial model na si VJ Mendoza. Ang Buzz Productions ang manager ng presence nila online.

Sa mga hirit pa lang ng mga comedian na sina Chokoleit, Iyah Mina, at Bekimon, hagalpakan na ang mga kaharap nila.

Sila na ba ang makakalaban ng YouTube as far as digital production is concerned?

Yun nga lang, pagdating sa mga puwedeng itampok na political personalities lalo at campaign season na, magiging maingat daw sila at neutral.

Natanong ko si Chokoleit about bashers in FB.

“This is it. Kailangan na to make our presence felt. Ngayon mas responsable na ako. Eh, hindi ba nga kakapatol ko noon sa mga comment dyan ako nademanda. Now, I know better. Nagtatanong na ako kung puwede ko ba ito ilabas o i-share. Ngayon nga we have a responsibility to our viewers. Dati patolera talaga ako by nature. It comes with age. Sabik pa noon sa atensiyon. Siyempre bagong avenue ‘di ba. Ngayon, iniisip na ang magiging content ng palabas. Kung may bashers delete, block! Tapos!”

Na kinontra ni Iyah. Kasi, kung iba-block daw niya, hindi niya malalaman ang mga sinasabi ng namba-bash. Kaya unfriend na lang.

Same with Bekimon na naging hit sa Facebook na roon siya pumaimbulog.

To see more of them,  follow them at www.facebook.com/palabuzzfeed.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …