Online voting ang labanan sa PUSH Awards kaya rito magkakaalaman kung sinuportahan ang AlDub ng kanilang fans para maiuwi nila ang tropeo maski hindi under GMA Network ito.
Malalaman ito sa takdang panahon at kung sakaling hindi sumuporta ang almost billions fans nina Alden at Maine sa online contest, walang sisihan ha dahil binigyan na kayo ng chance.
Anyway, anong nangyayari sa KathNiel fans, bakit tila may mga iringan ang iba dahil nababasa namin sa aming Twitter account ang mga tweet na, “#PUSH KathNiel, bakit kumonti na, dati 600K na, bakit naging 350K na lang?”
Anyayare?
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
