WILLING makasama sa isang konsiyerto at pelikula si Sharon Cuneta ng newest addition sa pamilya ng Warner Music Philippines na si Gabrielle C. (Concepcion) na alaga ng CCA Productions ni Joed Serrano.
Ayon nga kay Gabrielle, wala namang problema sa kanya as long as okey din kay Sharon at okey din naman daw ang ideang ganito sa kanyang mommy Grace Ibuna.
Laman nga ng album ni Gabrielle ang mga awiting tiyak na magugustuhan ng mga Pinoy music lovers tulad ng Mula Ngayon, Promise Me, Shadow Me Down, at Love Me Again.
Bukod sa pagiging singer, papasukin din ng 26 years old ang mundo ng pag-arte sa pelikula at telebisyon at by next year, nakakasa na ang solo concert na gagawin sa Araneta Coliseum ayon na rin sa mabait at masipag na manager na si Serrano.
MATABIL – John Fontanilla