102915 filhair
MALAYO-LAYO pa ang Kapaskuhan pero ngayon pa lang ay naghahanda na ang officers and members ng Filipino Hairdressers Association (FIL-HAIR) ng isang bonggang-bonggang pagtitipon. Ang samahang Fil-Hair ay itinatag ni Mader Ricky Reyes mahigit tatlong dekada na ang nakararaan at sa loob ng mahabang panaho’y nabuo ang pagkakaisa, pagsasamahan, at pagmamahalan ng mga miyembro. Nagawa rin ng pangulong si Mader na ang pairalin nila’y pagtutulungan at iwasan ang inggitan. Ang iba pang officers ng Fil-Hair na kasama ni Mader sa larawa’y sina Edwin Palma (vice president), Ruby Villarama (Secretary), Raquel Pangilagan(Auditor), Lyn Yalong (Treasurer) and members of the board—Ester Garcia, Atlas Leonen, Josie Gallardo, Felipe de Guzman, at Santiago Palomares.