Saturday , May 18 2024

Kaya Siguro Mabenta Sa Mayayamang Bading Hunk Model Actor Hayop Raw Sa Sex

051815 blind mystery man
PINAG-UUSAPAN talaga ang isang indie film, na pinagbibidahan ng not so popular actress at hunk actor na bago nag-artista ay nakilala muna sa modelling. Paano parang porno na raw ang dating ng ginawang love scene ng dalawa sa pelikula na pareho silang hubo’t hubad sa eksena at kung ano-anong klaseng posisyon ang ginawa at may boobs exposure pa si actress at butt exposure naman daw ang tinutukoy nating bidang aktor.

At pagdating sa pagkadyot ay mukhang expert rin si actor dahil ang galing-galing niyang umindayog sa kanyang kapartner. Sabi baka expert na sa pakikipag-sex si actor at ito ang isa sa katangian niya kung bakit noon pa man ay hinahabol na siya at pinagkakagulohan ng mayayamang bading sa lipunan.

We heard, na ‘yung controversial na gay lawyer dahil sa pagkabaliw sa kanya ay binigyan siya noon ng isang condo at townhouse. Yes ganyan kamahal raw ang nota ni actor kaya’t ‘yung maka-a-afford lang sa kanyang booking price ang makakasama siya sa buong magdamag.

‘Di siya pumapatol sa mga cheap gyud!

LizQuen fans mangunguna sa pagpila
EVERYDAY I LOVE YOU NINA ENRIQUE AT LIZA PALABAS NA SA MGA SINEHAN SA BUONG FILIPINAS

KUNG pagbabasehan ang milyon-milyong views sa Youtube ng napakagandang trailer ng latest movie nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Star Cinema na “Everyday I Love You,” ay positibo ang people from Star Cinema ganoon na rin ang lahat ng fans and supporters ng LizQuen loveteam na na kikita rin ang movie na palabas simula today sa maraming sinehan sa buong Filipinas.

Ipinagmamalaki ni direk Mae Cruz-Alviar (director ng Everyday I Love You) ang obra niyang ito na may kakaibang topic na isa sa rason kung bakit niya tinanggap. Isa pa kakaiba raw ito sa mga nagawa na niya sa Star Cinema. Sigurado raw na hindi lang kaiinlaban ng mga manonood ang mga character nina Enrique, Liza at Gerald Anderson at madadala raw lalo sa isang romantic drama film. Kung titingnan ang buong trailer nito ay mukhang mas promising kaysa naunang pelikula ng LizQuen na “Just The Way You Are” na tumabo nang husto sa takilya.

Dito sa Everyday I Love You, ay mas mature ng atake ng mga character nina Enrique at Liza lalo na sa sweet moments nila ni Gerald na gumaganap na first boyfriend ng magandang young actress sa pelikula. Nang tanungin pala ng entertainment press si Enrique kung may kissing scene sila? Sey ng gwapong aktor, secret raw muna at panoorin na lang daw kung mayroon silang halikan ng kanyang labs na leading lady.

Baka meron nga naman kaya’t huwag ninyong palalampasin ang latest movie ng dalawa. Samantala part din ng cast sina Ariel Rivera, Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Marissa Delgado, Carla Martinez at Liza Lorena. Si Michael Pangilinan ng Your Face Sounds Familiar ang kumanta ng themesong ng movie na may titulong “It Might Be You.”

Napanood namin ang music video ni Michael at gandang-ganda kami sa kanyang MTV na bagay sa kanya.

Sabay-sabay natin itong panoorin kita-kits gyud!

Sa murang gulang gusto nang magkawanggawa
NINGNING NAGPAKITA NG MALASAKIT PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG LANDO

Nagkaisa sina Kapamilya child actress Ningning (Jana Agoncillo) Macmac (John Steven de Guzman), tatay Dondon (Ketchup Eusebio), kuya Johnny (Nyoy Volante), teacher Hope (Ria Atayde), Maris Racal ang Kapamilya star na magiging bahagi ng “Ningning” family sa paglilibot sa mga paaralan para makalikom ng donasyon sa “Show The Love, Kapamilya,” ang relief drive ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

Binista ng “Ningning” cast ang Sta. Ana Elementary School at Blessed Sacrament Catholic School para ipakita ang kanilang bagong magpasikat performances. Pagkatapos, nakalikom naman ang “Ningning” cast ng munting tulong at donasyon mula sa mga guro at mga estudyante. Ang “Ningning” ay kwento na umiikot sa kabutihan ng mga tao sa pang araw-araw. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Ningning (Facebook.com/Ningning)

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *