Thursday , June 4 2026

Schedules ng mga artista, problema sa All We Need Is Pag-Ibig

102415 kris derek jodi ian kim xian

00 fact sheet reggeeHINDI natuloy ang first shooting day ng All We Need Is Pag-Ibig na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Xian Lim, at Kim Chiu na ididirehe ni Antoinette Jadaone kahapon.

Sitsit ng aming source, hindi raw magtagpo-tagpo ang schedules ng mga nabanggit na artista sa scheduled date ng shooting.

Eh, ‘di ba dapat ipina-block off na ‘yan?

Pero si Kim ay alam niya na kahapon dapat ang unang araw ng shooting nila nang sandaling tsikahin namin noong Huwebes bago magsimula ang product launch ng ATC Fat Out na ineendoso niya.

Tinanong kasi namin kay Kim kung kailan magsisimula ang shooting nila dahil Oktubre na, “alam ko po bukas (Biyernes), malalaman natin, kasi wala pa naman kaming call time.”

Ayaw sabihin ni Kim kung ano ang papel niya sa All We Need Is Pag-Ibig at gusto sana naming dugtungan ng, ‘si Tita Malou (Santos) ang mag-a-anounce?’ ito kasi ang katwiran ng aktres noong huling makausap siya sa 10th year anniversary ng ATC Healthcare na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel kamakailan.

At pagkatapos ng product launching ng ATC Fat Out ay nasalubong namin ang taga-ABS-CBN at tinanong namin ang tungkol sa pelikulang All We Need Is Love.

“Ay pack-up po, hindi tuloy, hirap kasi ng schedules nila,” sabi sa amin.

Baka raw sa Nobyembre na ang shooting ng pelikulang All We Need Is Pag-ibig na ang tanong namin ay ‘aabot pa ba ito sa deadline?’ Dahil tanda namin, ang sabi ni direk Tonet ay 25 shootings days sila, eh, may pre-prod pa at kung ano-ano pa at higit sa lahat, aminado ang direktor na medyo mabagal siya, kaya malaking katanungan ito kung aabot.

Well, knowing Star Cinema sanay naman sila sa madaliang shooting pero maganda pa rin ang resulta.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …