Thursday , June 4 2026

RoS vs Star sa Miyerkoles

020415 PBAIPINAGPALIBAN ng Philippine Basketball Association ang opening ng 41st season nito kahapon bunga ng pananalasa ng bagyong Lando.

Sa halip ay sa Miyerkoles uumpisahan ang season at sa Mall of Asia Arena hindi sa Araneta Coliseum gagawin ito. Magsisimula ang magarbong palabas sa ganap na 5 pm kung saan magaparada ang 12 koponang kalahok.        Sa ganap na 7 pm ay maghaharap ang Rain Or Shine at Star Hotshots sa opening game.

“The PBA opening is postponed due to bad weather. The safety of the people is our concern,” ani ni bagong PBA commissioner Chito Narvasa na humalili kay Chito Salud na ngayon ay pangulo na ng liga.

Ang Star Hotshots ay hawak ngayon ni Jason Webb na siyang taging bagong head coach sa liga.  Hinalinhan ni Webb ang multi-titled na si Tim Cone na lumipat sa Barangay Ginebra.

Sisimulan ng San Miguel Beer ang pagtatanggol sa kampeonato sa Sabado sa isang out-of-town game sa Davao City kung saan makakaengkwentro nito ang Globalport.

Dalawang iba pang out-of-town games ang naka-schedule sa elims. Magtatagpo ang Talk N Text at Star sa Lucena City sa Nobyembre 14. Maghaharap naman ang Barangay Ginebra at Blackwater sa Angeles City sa Disyembre 5.

Sa susunod na buwan ay tutulak ang tatlong koponan papuntang Dubai, UAE kung saan dalawang laro ang magaganap. Magkikita ang Mahindra (dating Kia) at Alaska Milk sa Nobyembre 6.  Makakalaban ng Aces ang Gin Kings sa Nobyembre 7.

Ang iba pang koponang kalahok sa torneo ay ang Barako Bull, Meralco at NLEX.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …