Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, tinanggihan ang 3 pelikula dahil sa Ningning

080715 sylvia

00 fact sheet reggeeBINIBIRO namin si Sylvia Sanchez dahil nanalo lang siya bilang Famas Best Supporting Actress sa pelikulang The Trial ay tatlong pelikula na kaagad ang tinanggihan niya, dalawang indie films at isang Star Cinema.

“Sira-ulo ka talaga, Bonoan (tawag sa amin), hindi sa ganoon, hindi ko kasi kakayanin talaga, kasi araw-araw ang tapings namin ng ‘Ningning’, so paano ko isisiksik ang shooting?” pangangatwiran sa amin ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

Hindi pa rin namin siya tinigilan, sabi namin ‘malaki na ulo mo (Ibyang) kasi may Famas award ka na, namimili ka na ng project.’

“Naku, ewan ko sa ‘yo Bonoan, basta ako kung kaya lang ng katawan ko, bakit hindi ko kukunin, alam mo naman na gusto kong makagawa ng indie films, eh, paano?

“Masaya na rin ako kahit hindi ko natanggap kasi itong kuwento ng ‘Ningning’ ay pampa-good vibes sa lahat ng nanonood kasi positive talaga,” katwiran ulit sa amin.

Paano naging araw-araw ang tapings ng aktres ng Ningning, ibig sabihin hindi na siya natutulog?

“Ngayon kasi, lagi kong kaeksena si Ningning, eh, ang cut-off time niya ay 8:00 p.m., kaya ako rin cut-off na kaya maagad ako nakakatulog kaya may lakas ulit ako sa susunod na araw.

“Pero kapag hindi ko kaeksena si Ningning, inaabot kami ng past 12 midnight, so maaga pa rin ako nakakauwi at puwedeng matulog ng mahaba-haba kasi ang call time kinabukasan, 7:00a.m.,” paliwanag sa amin.

Kinukulit namin kung ano-anong pelikula ‘yung mga tinanggihan ni Sylvia, “’wag na, hayaan mo na, basta okay na,” giit nito sa amin. Dagdag pa, “basta masaya ako kasi maganda ang feedback ng ‘Ningning’.”

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …