Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apology ni Robin, tanggap ni Maria Ozawa

101715 Maria-Ozawa-cesar-montano robin

00 SHOWBIZ ms mTINANGGAP daw ni Maria Ozawa ang ginawang paghingi ng paumanhin ni Robin Padilla dahil sa pag-urong nito na gawin ang pelikulang Nilalang para sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil sa personal na rason.

Ani Maria, handa rin siyang makipagtrabaho kay Robin sakaling may offer na magsama sila.

“Of course. There’s nothing weird between us. I would love to work with him (Robin).” Bukod dito, umaasa rin si Maria na makagawa ng marami pang pelikula matapos ang Nilalang na ang magiging kapareha na ay si Cesar Montano.

Naikompara naman ni Maria ang trabahong ginawa niya rito sa atin at sa ibang bansa. “It’s totally different in any other countries. Like I’ve done a movie in Thailand and in Taiwan. But this one is different. Everyone is nice, they spoil me,” sambit pa ng Japanese adult actress na isang anak ng Yakuza member ang role sa Nilalang samantalang isang pulis naman si Cesar na siyang tutulong para ma-solve ang sunod-sunod na patayang nagaganap.

“The working hours were really crazy. Really crazy, like more than 15 hours a day but still because it was that long, I got to know the cast more. The more I stay, the more I fall in love with the Philippines,” dagdag pa nito.

Napag-alaman naming bukod sa paggawa ng pelikula, mayroon palang negosyong club si Maria sa Japan at umaasa siyang makapagtayo rin dito sa ‘Pinas.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …