Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni at Direk Paul, suportado si Sen. Bongbong sa 2016

012915 direk paul soriano toni
SARI-SARING reaction sa social media ang ipinupukol sa mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano dahil sa lantaran nilang pagsuporta sa kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos. Tatakbo kasi itong Pangalawang Pangulo ng bansa sa election 2016.

Nakita sina Toni at Paul na nakasuot ng pula sa pag-anunsiyo ni Sen. Bongbong sa Intramuros kasama ang dating first lady na si Imelda Marcos at si Kuya Germs.

Hindi naman masisisi sina Toni at Direk Paul kung ibigay nila ang support kay Senator Bongbong dahil naging ninong nila ito sa kasal.

Kung sabagay, hindi lang naman sina Toni at Direk Paul ang may gusto kay Senator Bongbong.

Nang makatsikahan namin si Gabby Eigenmann sa concert ni Gloc 9 sa Music Museum, si Sen.  Bongbong din ang choice niyang Vice President as of now.

Bagamat ang ilang netizens ay naalala at nag-aalala sa umano’y dictatorship noong rehimeng Marcos, marami pa rin ang tumitingin ng positibong pananaw sa anak ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos.

At least, ang pagsuporta nina Toni at Direk Paul ay hindi dahil sa pera kundi naniniwala sila sa kakayahan ni Senator Bongbong.

Ganyan din ang leksiyong matututuhan sa sitcom nina Toni at John Lloyd Cruzsa Sabado sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2. Bagamat maraming naidudulot ang pera, minsan mabuti, minsan masama. Pero materyal lang  ang pera, ginagamit ito, pero ‘wag magpagamit.

Ngayong Sabado, magkakaroon ng conflict sa Home Sweetie Home dahil aksidenteng naipasok ni Romeo (John Loyd) ang sweldo nina Ed at Lino sa kanyang sariling payroll account. Natiyempuhan pang ibinigay niya sa asawang si Julie (Toni) ang kanyang ATM noong panahong iyon para makapag-grocery ito. Ano ang gagawin ni Romeo ngayong nagastos na sa bahay nila ang pera? Maibalik pa kaya nito ang pera nina Ed at Lino?

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …