SA pelikulang PreNup na showing na sa October 14, starring Sam Milby andJennylyn Mercado, matapang at direktang tinalakay ang pros and cons ng isyu sa pagsasama ng would-be-couple.
Ayon sa direktor nitong si Jun Lana, first time magkakaroon ng movie tungkol sa naturang subject at pinabongga pa ito ng istoryang made in New York.
Kuwela ang napanood naming trailer ng PreNup and we agree on many observers’ saying that Sam and Jen have great chemistry.
Kilala naming mahusay na aktres si Jen at alam din naming kalog si Sam lalo pa’t madali itong patawanin sa mga mababaw na sitwasyon.
Kitang-kita at damang-dama ‘yun sa movie kaya’t umaasa kaming bukod sa feel-good film ito ay masasagot nito ang katanungan tungkol sa pros and cons ngPreNup na isa nang bukas na usapin sa mga nagbabalak magpakasal.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus