ITINANGGI ni Regine Velasquez na tinututulan niya ang kanyang mister na si Ogie Alcasid na pasukin ang politics. Ayon sa songbird desisyon ni Ogie na ‘wag tumakbo kahit na anong posisyon sa darating na eleksiyon sa 2016.
Kung ano raw ang desisyon ni Ogie ay susuportahan niya. At kung sakaling kahit ayaw niya na patakbuhin ang mister, susuportahan pa rin niya ito ‘pag gusto ni Ogie.
Sey pa ng Songbird na ang Gusto ni Ogie ay maging public servant at hindi opisyal.
Tinanong din si Regine kung may offer na rin siya para mag-endorse ng presidentiable?
“Hindi ako ino-offer-an kasi alam naman nila usually hindi ako nag-e-endorse, unless it’s a friend, or alam mo ‘yun,” pakli pa niya. ”I don’t really endorse,” dagdag pa niya.
TALBOG – Roldan Castro