Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabo, naiyak habang pinanonood ang Felix Manalo

092515 gaby dennis

00 fact sheet reggeeRAMDAM na ramdam pa ni Gabby Concepcion ang hirap na sinapit ni Ka Felix Y. Manalo noong itatag niya ang Iglesia Ni Cristo kaya naman habang pinanonood daw niya ang pelikula ay hindi niya napigilang hindi umiyak.

Kaya habang kausap namin siya ay pulang-pula ang mga mata ng aktor dahil galing sa pag-iyak at talagang super nagpapasalamat siya dahil napasama siya sa pelikula.

“Wala akong masabi talaga kasi naging parte ako ng pelikula at ibinigay sa akin ang papel na Ka Erdy.

“’Yung respeto ko sa kanila ay ganoon na lang kasi para sa akin second chance na ito sa buhay na makabalik ako rito (Pilipinas) tapos mayroon pang ganoong blessings, so nakita ko naman ‘yung mga turo at paniniwala ni Ka Felix at saka ng INC (Iglesia Ni Cristo) kaya wala akong masabi talaga kasi sa Biblia lang talaga ang pinagbabasehan ng lahat at nakaiiyak talaga kanina hindi ko mapigilan, especially ‘yung digmaan, marami tapos may mga trahedya pa.

“It’s historical, may pinanggalingan, may pinuntahan, may resulta lahat ng paniniwala nila, lahat ng itinayo ni Ka Felix at sumunod sa kanya iisa ang paniniwala.

“Overwhelming, hindi ko na alam kung anong word pa ang sasabihin, ang ganda ng pelikula, ang galing ni direk (Joel Lamangan), ang galing ng sounds, editing, production design etcetera.

“It’s my first to be part of the (Guinness) world record and it will lasts long,long time.

“Hindi ko na kailangang humalungkat sa history books (tungkol sa INC) ayan na, panonoorin mo na lang, hindi lang para sa INC ang pelikulang ito, para lahat ng Filipino,” kuwento ni Gabby.

At sa tanong namin kung posibleng maging kaanib na si Gabby sa Iglesia Ni Cristo, ”eh, sabi nga ni direk (Joel), hindi pa huli ang lahat, posible, (iisa) naman ang Diyos at (iisa) ang Biblia,”  mabilis na sagot ng aktor.

Sa Greenhills, San Juan lumaki si Gabby at malapit daw sa kanila ang Kapilya ng Iglesia Ni Cristo na roon din nanirahan ang unang Sugo na si Ka Felix kasama ang pamilya.

Kuwento pa ng aktor na tinatanaw lang daw nila noon ang Kapilya ng INC at maski raw gusto nilang mapasok at makita ang loob ay hindi nila nagawang gawin kasi hindi naman sila miyembro.

Kaya sa shooting ng Felix Y. Manalo ay nasilip nina Gabby at iba pang cast ang bahay na kilakihan si Ka Erdy (papel ng aktor) at pamilya nito.

Samantala, ipinalabas na ang Felix Y. Manalo kahapon sa mahigit na 300 sinehan sa buong bansa mula sa Viva Films at Iglesia Ni Cristo na idinirehe naman ni Joel Lamangan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …