Monday , May 13 2024

Pamba-bash sa ibang loveteams, ipinatitigil ni Daniel

072815 daniel padilla

00 SHOWBIZ ms mMAINIT ang labanan ng loveteams sa bakuran ng ABS-CBN2. Sila-sila mismo ang naglalaban-laban at tatlo sa tambalang ito ang pinakamaiinit na tinatanggap ng publikoang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; LizQuen ninaLiza Soberano at Enrique Gil; at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

“Eversince naman na nagsisimula ako, ayoko ng. . .hindi ako sa nag-aano sa kompetensiya, kasi nga, matagal ko na itong sinasabi sa fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, ‘huwag nating inaaway ang sariling atin. Sa atin ‘yan, eh, ‘di ba?’  Kaysa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo mag-aaway-away?

“At saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh kaibigan ko rin ‘yang mga ‘ yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban tapos kami-kami rin nag-uusap. Minsan nga sinasabi ko sa kanila na, ‘nag-aaway daw tayo’, ‘oo nga eh ok naman tayo’. ‘Hindi ba mas maganda na united tayo’,” ani Daniel.

Kaya naman ineengganyo nga ni Daniel na itigil ang pamba-bash sa iba pang loveteams o artista. ”Oo talagang. . . Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan. Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang bad vibes ng tao. Pangit na trip ang ganoon. May nage-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo ‘tong taong ito? Wala kang happiness doon, nagkakaroon ka lang ng points papuntang impiyerno,” giit pa ni DJ (tawag kay Daniel) sabay-tawa.

Samantala, next year pa pala matatapos ang Pangako Sa ‘Yo kaya naman wala pa silang oras para makagawa ng pelikula. ”Babawi ako next year ang hirap kasi ng schedule dahil din sa ‘PSY’,” giit nito dahil dire-diretso raw kasi ang taping nila for PSY at sa October 23 naman ay pupunta sila ni Kat sa US para sa TFC show.

Ukol naman sa pagsikat ni Alden Richards, sinabi ni Daniel na masaya siya para sa actor. ”Very happy ako kay Alden. Kilala ko na siya noon pa na hindi pa ako artista kasi nakatrabaho siya ng nanay ko (Karla Estrada).  At masasabi kong mabait na tao si Alden. Talagang napakabait niya kaya rin siguro binibigyan siya ng blessings,” pahayag ng batang actor.

Sinabi pa ni Daniel na, ”Lahat naman tayo may pana-panahon. Sila naman ‘yung style nila nagda-dubsmash, sila ang nagsimula niyon eh. Isinugal nila ‘yung ganoong style,  it’s either pansinin or hindi. Eh, pinansin kaya okey lang din. Good for them.”

Sa kabilang banda, ipinagtangol naman din ni DJ si Kathryn ukol sa noo’y napabalitang nag-iiba na ang ugali ng ka-loveteam lalo na ang pagiging isnabera.

“hindi po totoo ‘yan. Sa totoo lang, siya ang taong pinakamabait.  Maawain at napaka-generous na tao ni Kathryn. Ako, dinedepensahan ko lang siya dahil laging sinasabi na ‘di sila pinapansin ni Kath. Ako rin naman ‘pag hindi mo ako pinansin hindi rin kita papansin, ganoon lang ‘yon.

‘Yung nangyari sa Star Magic Ball, ‘yun ‘yung first ball na parang ang bilis-bilis lang. Kasi usually matagal ang ball, maraming programs. Pero pagdating namin sa balls, red carpet, pasok sa loob. Hindi ko na nga siya nakasama papasok sa loob kasi pagdating doon nagbihis na siya agad for  our number, ‘yung sayaw namin.

“After sayaw, bihis uli kasi may award kaming nakuha kailangan makita ‘yung dress niya. Tapos after the awarding, umalis na kami kasi nga kinabukasan naman eh may taping pa kami ng ‘PSY’.

“Kahit ako marami rin akong hindi napansin at nabati tulad ni Ms. Cory Vidanes,” sunod-sunod na paliwanag pa ni DJ.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …

Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan …

Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *