Thursday , June 4 2026

ASAP20, nagpasalamat at nagpatili sa mga taga-Biñan

021115 ASAP 20

00 SHOWBIZ ms mALL-OUT sa pagpapasalamat at pagpapatili ang bigating Kapamilya stars ngASAP20 sa kanilang live performance sa Binan, Laguna noong Linggo (Oktubre 4) para ilapit ang pagbibigay saya sa libo-libong Kapamilya fans sa kanilang walang sawang pagsuporta.

Kaya naman napakasuwerte ng mga taga-Binan dahil personal nilang nakadaupang-palad ang mga Kapamilya star.

Mainit na tinanggap ng mga taga-Binan ang ASAP20 na pinilahan at dinumog sa kabila ng init ng panahon at pagkaraan ay umulan ng malakas sa Alonte stadium.

Hindi naman binigo ng ASAP20 ang mga taga-Binan dahil sa handog nilang mga pasabog na song and dance numbers na yumanig sa Alonte stadium sa tindi ng hiyawan ng fans mula simula ng show sa performance nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at Liza Soberano hanggang sa pagtatapos nito.

Mas nagpakilig naman sa fans na nanood ang performance ng stars ng top-rating Kapamilya programs lalo na ng Pangako Sa’Yo cast na pinangunahan nina Daniel, Kathryn, Jodi Sta. Maria, at Ian Veneracion.

Namigay din ng exclusive backstage meet and greet passes pati ABS-CBNTVplusboxes ang ilang ASAP20 stars sa mga napiling lucky audience members.

Samantala, ilan sa mga naispatan na nag-selfie at nakipaghalubilo sa audience sinaPiolo Pascual, Robi Domingo, at Alex Gonzaga para makompleto ang hatid nilang ASAP20 experience sa mga taga-Binan.

“Panahon na ng ‘ASAP’ na magkaroon ng nationwide tour sa Pilipinas dahil mas maraming Filipino na ang gustong mapanood kami ng live sa kanilang mga probinsiya,” ani Piolo sa interview ng TV Patrol.

Pinuri at nagpasalamat naman si Binan city mayor Len Alonte sa  ASAP20 dahil sa maayos na event noong Linggo na nagpasaya sa mga taga-Binan. Tagahanga pala ang mayora ni Piolo kaya naman tiyak na isa rin si Mayor Len sa mga kinilig nang lumabas ang actor.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …