OKEY lang kay Jericho Rosales kahit second choice o third choice siya sa filmfest entry ng Quantum Films entitiled Walang Forever na ka-partner si Jennylyn Mercado. Pinalitan niya si JM De Guzman.
Basta bagay daw sa kanya ang proyekto at kaya niyang gawin ang role ay walang problema.
Sey nga niya, kahit naman daw sa serye niyang Bridges of Love ay hindi rin siya ang first choice.
Naiintindihan din ni Echo kung busy si JM sa All Of Me soap nito. Kahit daw siya minsan ay hindi makatanggap ng movies dahil mahirap talaga sa sked na may ginagawang serye. Excited na si Echo na makatrabaho si Jen. Napanood daw niya ito sa English Only Please.
“Super Bubbly Person,” kung isalarawan niya ang aktres.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro