KAWAWANG Alden Richards, nagkakasakit na raw dahil sa sobrang trabaho.
Ang chismis, madalas na raw itong inuubo. Palagi raw itong ubo ng ubo kapag nasa show. Apparently, bumibigay na ang katawang lupa ni Alden. Sa rami kasi ng trabaho niya ay halos wala na siyang pahinga.
Bakit naman hindi eh nasa TV siya seven days a week, hindi ka ba magkakasakit?
May noontime show si Alden na Monday to Saturday. Then, kapag Sunday mayroon pa siyang show kasama ang has-been actress at has-been comedienne.
Parang pinapatay na si Alden ng mga producer niya dahil araw-araw ang work niya, wala na halos siyang pahinga.
In between his TV shows kasi ay may mga raket pa on the side ang actor, may mall tour siya for his album, may mga show, may provincial gigs. Lahat ng iyon ay talagang physically taxing.
That’s the price he has to pay for being the pinakasikat na actor.
UNCUT – Alex Brosas