Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Susan, puring-puri ang TV adaptation ng Ang Probinsyano

051915 coco martin FPJ

00 fact sheet reggeeABOT-ABOT ang puri ni Ms Susan Roces sa TV adaptation ng Ang Probinsyano kaya naman nagpapasalamat siya sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

Sabi ng maybahay ng nasirang Fernando Poe, Jr, ”pinanood namin ang ‘Probinsiyano’ with my friends, relatives and some members of the staff at pinanood namin ang mga natapos ng episodes ng ‘Ang Probinsiyano’.

“Sanay ako sa pelikula, hindi ako gaanong sanay sa teleserye at ngayon lang ako sumabak sa paggawa nito.

“Hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko dahil kasali ako, but I cannot help but say talagang manghang-mangha ako sa pagkakagawa ng mga episode ng napanood ko, parang pampelikula.

“Hindi pinagtipiran ng Dreamscape at ng ABS-CBN, I’m very-very proud of the episodes I viewed at nais kong pasalamatan ang ABS-CBN at Dreamscape.”

Halos hindi naman makapagsalita ang dalawang direktor ng Ang Probinsiyano na sina Avel Sunpongco at Malu Sevilla sa papuring ito sa kanila ng Queen of Philippine Movies.

Sabi naman ni direk Malu, ”gusto ko pong iparating not just from me, also from direk Avel and also from the whole of Dreamscape, sobrang salamat po sa pagre-recognize at nagandahan kayo sa aming maliit na tribute kay Da King.

“It cannot happened kung wala rin naman ang napakaganda at nakapasarap and inspiring support from our Dreamscape bosses who helped us create the episodes, who helped us conceptualized the show and also, ‘yun pong passion ng mga artistang kasama namin, mraming salamat.

“And special mention to Coco (martin), we’ve been together for so many shows, and it’s always tatlong letrang P, perfection, perseverance and passion.

“Whatever Coco is involved so and as a director, I think, we share same sentiments working with him is really, really dream come true four times over for us.

“Dagdagan mo pa ng mga artistang nakikita ninyo ngayon, dagdagan mo pa ng puwersa at tulong at suporta, guidance ng aming mga kasamahan sa Dreamscape, ng aming mga boss paano ka naman maliligaw sa paggawa ng napakagandang tulad nito, sana po you can help us the message out people to watch the show.”

Mapapanood na ang most awaited TV adaptation ng Ang Probinsiyano ni FPJ sa Setyembre 28 pagkatapos ng TV Patrol kasama ang magagaling na artistang sina Ms Susan, Coco, Joey Marquez, Agot Isidro, Bela Padilla, Jaime Fabregas, Arjo Atayde, Maja Salvador, Ana Roces, Dennis Padilla, Lester Llansang, Marvin Yap, Pepe Herrera, John Medina, Michael Jornales, Gio Alvarez, Ramon Christopher, ZaiJan Jaranilla, Simon Pineda, Malou Crisologo Malu de Guzman at iba pa.

 FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …