Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boss Vic, papalitan si Galvante bilang head ng TV5 entertainment

092415 wilma galvante vic del rosario

00 fact sheet reggeeTRULILI kaya na si Viva boss Vic del Rosario na ang kapalit ni Ms Wilma G. Galvante sa TV5 bilang head ng entertainment?

In passing ay nabanggit ito sa amin ng kilalang aktor ng aksidenteng makita namin sa isang mall kamakailan at masaya niyang ikinuwento na si boss Vic na ang hahawak sa entertainment ng TV5.

“Ia-announce na next month, abangan n’yo,” ito ang sabi ng kilalang aktor na konektado sa Viva.

Samakatuwid Ateng Maricris, hindi mawawala ang entertainment department ng TV5 base sa unang report na dissolved na at pawang line-produce na lang ang mangyayari sa mga programang ipalalabas.

Nagtanong naman kami sa taga-TV5, ”actually Reggs, naririnig namin nga ang pangalan ni boss Vic, pero wala pa namang sinasabi sa amin ang management for now.

“Kaya wala kaming idea, all we know is my partnership si boss Vic to produce shows for cable, so ‘yung magiging entertainment head siya, no idea.”

Isa pang bossing ng Singko ang nagsabing, ”si boss Vic sa cable magpo-produce ng show.”

Pero hirit naman ng isa pang executive ng TV5, ”cleansing lang ang mangyayari sa entertainment.”

Binanggit ang terminong ‘cleansing’ ano ang ibig sabihin, tinanggap ng management ang buong tao sa entertainment at magpapasok ng bagong staff?

“Alam mo na, kailangang magbawas, sobrang laki ng gastos sa mga programa, hindi naman naibabalik,” sabi ng TV5 executive.

Pero ang mga dating boss ng network tulad nina Ms Wilma, Marj Natividad at iba pa ay mananatili sa TV5 bilang line producers ng mga programang Happy Truck Ng Bayan, Happy Wife, Happy Life, at Wattpad.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …