Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Felix Manalo, ipalalabas sa 312 mga sinehan nationwide

082215 Dennis Trillo felix manalo

00 SHOWBIZ ms mBONGGA talaga ang pelikulang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Napag-alaman kasi namin mula kay Ms. Leigh Legaspi, Assistant Vice-President ngViva Communications Inc.,  na ipalalabas sa 312 mga sinehan nationwide ang epic film bio ni Ka Felix Manalo.

Naibahagi pa ni Ms. Leigh na gumamit ng 7,000 extra ang Felix Manalo na sinasabing guguhit pa ng panibagong yugto sa kasaysayan ng Philippine Cinema sa layon nitong higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance sa isang film premiere at screening nito sa October 4.

Idaraos sa 55,000 seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, tatlong araw bago ang opening date nito sa mga sinehan sa buong bansa sa Oktubre 7.

Ang Felix Manalo na handog ng Viva Films ay pinagbibidahan ni Denis na siyang gumaganap sa mahalagang karakter ni Ka Felix, ang unang Executive Minister ngIglesia ni Cristo habang ang maganda at mahusay na aktres na si Bela Padilla ang lalabas bilang butihing maybahay na si Ka Honorata.

Suportado sina Dennis at Bela ng mahigit sa 100 na malalaking artista sa Felix Manalogaya nina Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Snooky Serna, Lorna Tolentino, Richard Yap, Dale Baldillo at marami pang iba.

Napag-alaman naming ita-transform ang Philippine Arena sa isang malaking theater gamit ang 22 meters by 40 meters na screen para sa isang makabuluhang full theater experience. Kinunan ang pelikula sa loob ng 58 shooting days sa loob ng walong buwan kasama ang best brightest and well respected names sa local film production scene para matiyak ang world class quality ng Felix Manalo na idinirehe ng multi award-winning director na si Joel Lamangan.

Mga bigating pangalan din ang nasa team ni Direk Joel na kinabibilangan ng director of photography na si Rody Lacap, production designer Edgar Littaua, set design and construction Danny Red, costume designer Joel Marcelo Bilbao, hair and make-upJuvan Bermil, musical director Von de Guzman, at sound engineer Albert MichaelIdioma, film editor John Wong, visual effects supervisor Adrian Arcega, assistant director Arman Reyes, at associate director Julius Alfonso.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …