Thursday , June 4 2026

Shaina, ipinagdarasal ang lalaking makakatuluyan

092215 shaina magdayao

00 SHOWBIZ ms mSA Biyernes, Setyembre 25 na matatapos ang Nathaniel na pinagbibidahan ng batang si Marco Masa. Ilang buwang nagbigay-inspirasyon ang istorya ng teleseryeng na hindi lamang ang mga manonood ang nakakukuha ng magagandang aral sa buhay, maging ang mga artista.

Tulad ni Gerald Anderson na gumaganap bilang si Paul, inamin nitong lalong tumatag ang kanyang paniniwala dahil sa Nathaniel. “Natutuhan kong mas maging mapagkumbaba at hindi padalos-dalos sa anumang nararamdaman,” paliwanag ng actor na may malaking desisyong gagawin ngayong lingo.

Patuloy namang tinutuklas ni Shaina Magdayao na gumaganap bilang si Rachel kung ano ang purpose sa showbiz at bakit hanggang ngayon ay artista pa rin siya.

Natanong ang aktres kung bakit hanggang ngayo’y loveless pa rin ito at nasabi niyang, isa ito sa ipinagdarasal niya, ang makahanap na siya ng lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya. Ang gusto kasi niya ay totohanang didiretso na sa pagpapakasal sakaling ma-inlove muli siya.

Samantala, nananatiling pinakapinanonood na programa sa bansa tuwing weekdays ang Nathaniel, ayon sa datos ng Kantar Media. Lagi itong tinututukan ng samayanan kaya naman nagawa nitong pumalo sa all-time high national TV ratings na 37.5 percent noong Hunyo. Hindi lamang para makapagbigay-aliw ang layunin ng Nathaniel, bagkus ay magbahagi ng mabubuting asal at aral sa mga batang manonood.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …