Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakahihintay na halikan nina James at Nadine, nag-trending

092115 jadine kiss james nadine

00 fact sheet reggeeNAKABIBINGI ang mga hiyawan ng mga nanood ng On The Wings Of Love noong Huwebes dahil finally, naglapat na ang mga labi nina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) na matagal ng hinihintay ng viewers.

Imagine, halos isang buwan nabitin ang mga tao sa kahihintay sa most awaited kissing scene ng dalawang bida na talagang trending sa social media at umabot sa 2 million tweets ang tinawag na  #OTWOLMost ApprovedKiss sa buong mundo.

At dahil sa Most Approved Kiss episode na ito ay nakamit ng On The Wings Of Love sa national TV rating na 24.8%, ang pinakamataas na rating ng show ngayong buwan.

Anyway, as early as 8:00 a.m. ay marami ng nakapila sa Fairview Terraces mall noong Sabado para sa signing of scrap book nina James at Nadine na sadyang ginawa ng ABS-CBN Publishing para sa kanilang supporters.

Hilong talilong nga ang mga guwardia ng mall dahil hindi nila ini-expect na ang aga-agang dumating ng mga tao considering na 3:00 p.m. pa ang event nina Clark at Lea.

Hindi siguro na-anticipate na dadagsain ng tao ang dalawa, dapat sa open field ginawa ang event, “eh, paano kung umulan?” ito naman ang hirit sa amin ng taga-Dos.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …