Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AA, iiwan na raw ni Tetay

091715 boy abunda kris aquino

00 fact sheet reggeeHABANG tinitipa namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot ni Kris Aquino kung ano ang nangyari sa meeting niya kay ABS-CBN Head for Free TV, Cory V. Vidanes noong Martes ng gabi tungkol sa pag-alis niya sa programang Aquino and Abunda Tonight kasama si Boy ABunda.

Nabanggit ng aming source noong Martes ng tanghali na nakatakdang makipag-meeting ang Queen of All Media kay Ms. Cory tungkol nga sa AA na iiwan nga niya.

Kaagad naming tinext si Kris kung totoong iiwan nga niya ang Aquino and Abunda Tonight, ”Yes, wait lang please, meeting is at 8PM,” sagot sa amin.

Health reason daw ang dahilan ni Kris sabi ng aming source na sa pagkakaalam niya ay umokey ang ABS-CBN management dahil lagi siyang nagkakasakit habang isinu-shoot ang Etiquette For Mistresses kasama sina Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu mula sa direskiyon ni Chito Rono for Star Cinema.

Pinayuhan daw ang TV host na magbawas ng work load ng kanyang mga kapatid at doktor para maka-recover ulit at maiiwan na lang ang Kris TV na balitang daragdagan na lang ng oras sa umaga.

Nabanggit din sa amin ng aming source na kailangan na ring umpisahan ni Kris ang pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na Mr. and Mrs Split na entry sa2015 Metro Manila Film Festival ng Star Cinema na ididirehe naman ni Antoinette Jadaone.

Nabanggit pa na flexible daw ang network ‘pag ganito ang sitwasyon ng artista lalo’t guaranteed contract si Kris.

Speaking AA, magiging The Boy Abunda Show na raw ang titulo, ‘yan ay kung hindi babaguhin, Ateng Maricris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …