Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, kinailangang isakay sa ambulansiya para makalabas ng Star Mall (Dahil sa sobrang dami ng tao)

091515alden richards

00 SHOWBIZ ms mWAGING-WAGI ang mga taga-San Jose del Monte, Bulacan dahil dalawang naglalakihang artista ang dumalaw sa kanila noong Linggo, Setyembre 13, sina Coco Martin at Alden Richards. Bagamat magkaibang lugar sa SJDM ang pinuntahan nina Coco at Alden, kapwa naman tinao ang mga iyon. Mas jampack nga lamang ang kay Alden at talagang hanggang labas ay kitang-kita ang dami ng tao.

Talagang sikat na sikat na si Alden dahil OA talaga sa rami ng taong nagpunta sa mall para lamang makita ang actor sa Star Mall sa Kaypian, City of San Jose del Monte.

091515 starmall alden
Ganito karami ang taong nagtungo sa Star Mall para makita si Alden Richards.

Ayon sa aming mga nakausap na tagaroon, kapag sumasakay nga raw ang mga tao patungong Star Mall, ang sinasabi ng pasahero ay “Sa Alden nga po,” imbes na sabihin ang pangalan ng naturang lugar.

Napag-alaman pa naming kinailangang isakay si Alden sa ambulansiya para lamang mailabas ng mall o lugar ang actor dahil sa sobrang pagka-kagulo ng mga tao sa kanya.

Naroon si Alden para sa isang show na sinasabing Agosto pa lamang ay naka-paskil na sa mall ang araw at oras ng magaganap na show. “Kaya hindi talaga imposibleng dayuhin ng tao ang show ni Alden. Kasi matagal nang alam ng mga tagarito at mga namamasyal sa Star Mall na pupunta si Alden,” paliwanag ng isang taga-San Jose del Monte.

091515 coco martin covered bulacan
Ang covered court na nag show si Coco Martin.

Sa isang covered court sa Bgy. Poblacion 2, SJDM naman nagtungo si Coco na malayo naman sa Kaypian at iba ang daan patungo roon. Marami rin daw ang nanood kay Coco (bagamat hindi ganoon karami sa inaasahan namin) pero ang ipinagtataka ng mga tagaroon ay tila hindi raw naman masyadong nai-promote ang pagpunta roon sa kanila ng actor.

Nakapagtataka nga naman kasing maliit lamang ang covered court pero kung pagbabasehan ang larawang aming nakita’y hindi ganoon kasiksik ang tao. Kaya naman pala’y kulang sa promotion. Sayang sana’y mas marami pa ang nasiyahan sa pagpunta roon ni Coco sa Bgy. Poblacion.

Anyway, ang mahalaga’y marami sa mga taga-San Jose del Monte ang nasiyahan sa pagpunta ng dalawang actor na itinuturing na prize possession ng kani-kanilang estasyon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …