VICE GANDA admitted na hindi lang pera niya ang ipinamimigay sa Good Vibes segment ng It’s Showtime.
Sa PEP interview niya, the standup comedian said na”bukod sa nakakapagpasaya ka ng tao, nakatutulong ka rin.”
“Kasi mas blessed ako ngayon. Dahil mas blessed ako, mas malaki ‘yung chance na makapag-share ng blessings ko. Siyempre, ‘pag walang-wala ka naman, anong isi-share mo? Ngayon, mas maraming blessings ang ibinigay sa akin ng Diyos, kaya mas malawak ang blessings na puwede kong i-share,” chika ni Vice.
“May mga nanggagaling sa akin, may ibang nagpe-pledge rin. Sinasagot din ng ‘Showtime’, may ibang sinasagot ang mga kaibigan ko, like si Kris Aquino. Maraming nagtutulong-tulong, maraming tao ang gustong magbigay ng good vibes sa maraming tao,” pag-amin niya.
He admitted, too, na mayroon namang competition talaga ang noontime shows, maging ang teleserye ng Dos at Siete.
UNCUT – Alex Brosas