Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, di raw totoong nagbalik-bisyo, ‘di rin daw totoong problema nila ang binata

090715 JM de Guzman

00 fact sheet reggeePARA sa balanseng pagbabalita, hiningi namin ang reaksiyon ng Executive Producer ng seryeng All Of Me na si Narciso Gulmatico, Jr. tungkol sa tsikang problemado ang production kay JM de Guzman dahil bumalik na naman daw siya sa rati niyang gawi.

Bukod dito ay lumutang na rin ang balitang hindi nakasama si JM sa ASAP London dahil nga sa kinakaharap nitong problema at ang balitang hanggang walong linggo o dalawang buwan na lang ang All Of Me na napapanood sa Kapamilya Gold.

Paliwanag ni Narciso tungkol sa balitang walong linggo lang ang AOM.

“It’s not true Reggee, in fact the management is so happy with the ratings with 18.9% for it’s pilot episode.

“Dapat nga they wanted it for the primetime. They wanted it extended until next year.

“The episode yesterday (Friday) was trending number one. Hindi naman tatapusin ng mga boss if the show is having beautiful reviews with full advertising support in just two (2) days of airing.

“It’s number one in the entire afternoon slot besting all other GMA and ABS shows.”

Wala raw silang problema kay JM, ”JM is doing good, he is behaving naman, ako mismo ang magre-recommend na tapusin ang show kung hindi ko na siya kayang ma-handle,” katwiran sa amin ng EP ng programa.

Wala rin daw katotohanan ang tsikang balik-bisyo si JM,”hindi naman bumalik, okay naman siya.”

Nagkamurahan at sigawan daw sina JM at direk Dondon Santos.

“Ngek, walang murahang nangyari, hindi komo ako ang producer ay pagtatakpan ko, wala talagang murahang nangyari,” klaro ng TV executive.

Sa hindi pagsama ni JM sa ASAP London. ” Hindi siya pinayagan last minute kasi airing kami, baka sumabit sa airing kasi hindi naman marami ang nabangko kong episode, so baka daily na taping ko starting next week,”katwiran sa amin.

Hayun, buti nalinaw ni Narciso ang isyu kay JM at sa All Of Me serye.

“Okay Regg, sorry hindi kita kaagad nasagot. Magenta nga ganyang may intriga para me intrigue, hahahahaha, waaah,” birong hirit ni Nars.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …