Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Cong namalengke ng award

THE WHO logoTHE who ang isang dating congressman na namalengke ng award at nagbabalak umanong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016?!

Itago na lang natin sa pangalang ‘Si Buko’ ang magaling na former congressman dahil kung gaano kakapal ang balat ng buko, ganoon din daw kakapal ang kanyang balat pagdating sa paggawa ng kabulastugan.

Ayon sa matabil na dila ng aking Hunyango, mayroon isang non-government organization (NGO) na pinamumunuan ng isang ‘pangahas’ na tao ang nag-offer ng award for sale kay ‘Si Buko’ sa halagang P20,000.

At dahil BUWAKAW (Buwayang Matakaw) sa popularidad para magamit daw niya sa kanyang pagtakbong muli, sinakmal agad ni ‘Si Buko’ ang alok ng mapangahas na presidente ng naturang NGO.

Para desimulado at malinis ang kabulastugan ni ‘Si Buko’ idinaan sa banko ang pay-off base na rin sa instruction ni ‘Pangahas’ na napag-alaman nating manggagamit at panggagantso talaga ang lakad para kumita.

Wait, bago naikasa ang deal, isang sulsol-tant ni ‘Si Buko’ ang pumigil sa kanya at nagpayo na mas makakamura siya kung magpapagawa na lang sa University of Recto ng award na nais nito.

Hahahahahahahahaha! May katok-wiran naman si sulsol-tant. Mas makamumura nga naman kaysa magbigay ng 20k.

Pero hindi ito pinatulan ni ‘Si Buko’ kasi mas maganda raw ‘yung tunay na awarding kahit binayaran lang dahil may photo ops pa kaysa pekeng award.

Hehehehehe…

Talagang ‘di rin makapal ang balat ni sir!

Kaya naman nakamit ni ‘Si Buko’ ang minimithing achievement award na ‘di man lang nakonsensiya at pangiti-ngiti pa na gaya ni “Yaya Dub” habang tinatanggap ito.

Kilala n’yo ba kung sino si ‘Si Buko’ na may mga kaso rin daw sa Ombudsman?

Who-laan n’yo nga kung sino siya.

Kaboom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …