Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, ‘di umubra ang sched sa Felix Manalo

082415 kathryn bernardo

00 fact sheet reggeeHINDI nakasama si Kathryn Bernardo sa pelikulang Felix Manalo mula sa Viva Films na idinirehe ni Joel Lamangan dahil sa hectic schedules nito.

Nabanggit ni direk Joel na plano nilang isama ang mga artistang kaanib sa Iglesia Ni Cristo pero, “na-consider po talaga siya, pero hindi umubra ang schedules niya sa aking shooting, mas importante pongg ituloy ang shooting (‘Felix Manalo’) kaysa maghintay ako ng tatlong buwan kay Kathryn Bernardo.

“Kaya amin pong ipinush-thru, pero mayroon naman kaming mga kabataang kasama tulad ni Ruru Madrid (miyembro ng INC).  Hindi na po namin nahintay kasi napaka-busy po ni Kathryn (taping ng ‘Pangako Sa ‘Yo’),” paliwanag ng direktor.

Tiyak na malaki ang panghihinayang ni Kathryn na hindi siya napasama sa pelikulang Felix Manalo dahil once in a lifetime lang itong mangyayari na ginawang pelikula ang buhay ng Sugo ng Iglesia Ni Cristo at hindi alam kung masusundan pa ito.

Samantala, nabanggit na certified Noranian si direk Joel kaya naman natanong siya kung bakit hindi niya isinama ang Superstar.

“Eh, wala naman po akong ibibigay na meaty na role para sa kanya (Nora), nakahihiya kasi kung isa, dalawa o tatlong araw lang siyang magsu-shooting sa estado niya,” katwiran ng direktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …