Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maria Ozawa, pinatutsadahan si Robin

061515 maria ozawa robin mariel
HOW true na naimbiyerna raw itong si Maria Ozawa dahil hindi na tuloy ang movie nila ni Robin Padilla?

Nakita namin sa isang Facebook fan page account ang isang post na nagpatutsada si  Maria sa kanyang social media account dahil hindi na nga tuloy ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Robin.

“It’s not that I really wanted to film w/ robin but I think it was so unprofessional  to call it off 10 days before the shooting starts. ..i feel sorry for the film director, staff, etc,” say ni Maria.

Na-cancel na nga ang pelikula nina Robin at Maria dahil sa maselang pagbubuntis ni Mariel Rodriguez. Nagpasya si Robin na hindi na lang ituloy ang movie dahil gusto niyang alagaan ang asawa na posibleng magsilang ng triplets.

Excited si Robin matapos makita ang ultrasound photo ng pagbubuntis ni Mariel. Hindi lang kambal kasi ang posibleng isilang ni Mariel kundi triplets. Nakunan si Mariel noon kaya siguro ay dobleng pag-iingat ang ginagawa nila ni Robin ngayon. Siyempre, super mahal ng action star ang kanyang misis at una ito sa priority niya kaysa movie.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …