MAY bagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Aficionado Germany Perfume at ito ay walang iba kundi si Teejay Marquez na pumirma ng kontrata last August 5 sa opisina ng Aficionado Germany Perfume.
Ayon kay Teejay, “Nagpapasalamat ako kay Sir Joel kasi kinuha niya ako para maging Ambassador ng Aficionado Germany Perfume.
“Noon pa man ay gusto ko nang maging pamilya ng Aficionado Germany Perfume, kaya ng kinuha ako ni Sir Joel sobrang saya ko talaga.
“Thankful din ako sa mga big boss na sina Remar de Leon, Ernie Laurente, Lambert Lopez, Sir Gary, Sir Roy, Sir Bert, Mam Ems, at Sir Nesler,” giit pa ni Teejay.
MATABIL – John Fontanilla