Thursday , June 4 2026

Shaina, madalas naman daw nakikita si Lloydie

080615 Shaina Magdayao lloydie

[00 fact sheet reggeeMAY sagot na si Shaina Magdayao sa mga nagtatanong kung paano siya napapayag na makatrabaho sa Nathaniel ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na gumaganap bilang abogadong tumutulong sa pamilya ni Pokwang bilang si Aling Beth.

Special guest sina Shaina kasama si Matteo Guidicelli sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ng gabi at natanong siya ni kuya Boy Abunda kung paano nga siya napapayag at ano ang reaksiyon niya kay Lloydie.

“Actually parang hindi ko rin nakita ‘yun na magkaka-trabaho kami. It was okay, doon lang ako sa fact na magtatrabaho kami together. And It’s okay because we see each other naman, we have common friends. Siguro on the set, ‘yun ang trabaho, but other than that, wala naman na,” kuwento ng aktres.

Hindi naman daw sa Nathaniel unang nagkita sina Shaina at JLC say mismo ni kuya Boy.

“Yes, ‘yun ang feeling ko ganoon ang ibang tao, pero hindi kasi ilang taon na ang nakalipas, ilang Star Magic ball na ang nakalipas.”

Bukod sa Nathaniel ay may isa pang serye si Shaina na kasama naman si Matteo na Single-Single na mapapanood sa Cinema One simula sa Agosto 29.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …