Monday , December 23 2024

Health secretary Garin bokya na humihirit pa!

00 Bulabugin jerry yap jsy
NAGTATAKA tayo kung bakit masyadong depensibo si Health Secretary Janette Garin sa pagpapaliwanag na hindi expired ang ipinamigay nilang kontra-bulate na Albendazole.

Kumbaga parang gustong sabihin ni Secretary Garin: “Hindi kami o ang Department of Health (DoH) ang dapat sisihin kasi hindi naman expired ‘yan. Gutom kasi sila bago nila ininom kaya nagsuka at nahilo sila, dapat kumain muna sila.”

Parang gano’n. Parang ang gusto pang sisihin ni Garin ‘e ‘yung mga teacher na nag-administer ng kontra bulate. Hindi pa nga sila sinisisi, defensive na.

Puwede bang imbestigahan mo muna maigi, Secretary Sagarin ‘este Garin?!

Hindi naman siguro nakahihiyang mag-sorry kapag nagkakamali.

Ang pinaimportante nagre-rectify.

‘E kung sorry nang sorry nga, pero paulit-ulit naman ang pagkakamali wala rin ‘yun, Secretary Garin.

Naniniwala ang inyong lingkod, na dapat walang insidenten gaya niyan. Kung mayroon man, pwede sigurong katanggap-tanggap ‘yung iilan, pero ‘yung umabot na sa 3,000 batang estudyante ang nako-confine, ano na ang tawag mo riyan, Secretary Garin?!

Inuulit lang po natin, walang sisihan, kasi ang importante rito, akuin ang responsibilidad. Malinaw na programa ng DOH ‘yan at ang gamot ay galing sa DOH, sino ang dapat managot?!

Dapat pa bang maghanap ng ibang dahilan at dapat sisihin Secretary Garin?!

Aba, asikasuhin ninyo ang mga batang naospital at bigyan ng disciplinary action ang mga dapat managot.

‘Yun lang!

PEACE & ORDER SA CALAUAG, QUEZON DELIKADO NA!?

MASYADONG naging talamak ang karumal-dumal na krimen ngayon sa Calauag, Quezon.

Ito raw po ay dahil sa talamak na pagpapakalat ng illegal na droga ng isang spoiled brat na anak ng isang local government (LGU) official.

Ang masama, mismong ang nasabing anak ang instrumento sa pagpapakalat ng illegal na droga.

Mahigit dalawang taon na ang nakararaan, isang 70-anyos matriarka ng isang kilalang pamilya ang pinaslang sa nasabing lugar sa karumal-dumal na paraan.

Talaga namang hindi raw maiisip ng sino man na tao ang may kagagawan ng nasabing karumal-dumal na pamamaslang.

Parang hindi nga raw pumangalawa sa demonyo kung paano pinaslang ang nasabing  matriarka.

Kahit sino ay alam kung sino ang may kagagawan, pero nang pinaimbestigahan umano ang nasabing kaso, lahat ay nagtikom ng bibig.

Walang nagkalakas ng loob para magsalita dahil alam nilang maaari nilang sapitin ang kamatayang sinapit ng 70-anyos na matriarka.

Kamakailan, isang bata naman ang sinabing pinagparausan at pinaslang pero wala rin nahuling suspek.

Ang tanong ng mga taga-Calauag ngayon, ligtas pa ba sila sa bayan na kanilang sinilangan?!

Mayor Luisito Visorde, ano na ba ang nangyayari sa bayan ninyo?!

CONGRATULATIONS SECRETARY MAR ROXAS

Malugod nating binabati si Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Mar Roxas sa pagpili sa kanya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang susunod na magtataguyod ng Daang Matuwid.

Kumbaga, nagbunga rin ang pagsasakripisyo ni Secretary Mar nang siya ay magparaya kay PNoy noong 2010 elections.

Ngayon ay may mahigpit na responsibilidad si PNoy na mapagtagumpayan ang laban para ipanalo si Sec. Mar sa 2016 elections.

Ito ang matagal nang pinoproproblema ng Liberal Party, ang winnability ni Sec. Mar.

Pero may palabra de honor si PNoy kaya ginawa niya ang lahat upang pagkaisahin ang kabuuan ng LP, ng civil society group at iba pang grupo na sumusuporta sa kanya para sa endorsement ni Secretary Mar.

Dapat lang sigurong tandaan ni Secretary Mar, mula sa araw na pinili siya ni PNoy bilang pambato ng LP sa 2016 elections ay tiyak na marami nang lalapit sa kanya at kakapit na parang linta para makasabit sa kanya hanggang 2016.

Tiyak na mayroon ding mga utak-talangka, utak-biya at mga tuso…

Kaya dapat na mag-ingat si Secretary Mar.

Sa kabila nang lahat na ‘yan, muli kong binabati si Secretary Mar, congratulations!

And it’s time to work pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *