Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance, na-challenge sa pagiging bading sa Makata

073015 makata lance raymundo

00 fact sheet reggeeUNANG beses na gaganap na baklang titser si Lance Raymundo sa indi film na Makata (Poet) kasama sina  Sam Concepcion, Angelo Ilagan, Rez Cortez, Julio Diaz, Claire Ruiz-Hartell, Dianne Medina, Lou Veloso, Lance Raymundo, Anna Marin, Mini Jugs Reodica, atRosanna Roces na idinirehe ni Dave Cecilio.

Ayon kay Lance, hindi naman daw lantaran ang pagiging bading niya sa pelikula dahil ang target audience nila ay mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo.

“Walang mga tulad ng iniisip ng iba, basta gay teacher siya na in love sa isang estudyante na babae naman ang gusto, siyempre magpapakita ng selos kasi mas kompleto ‘yun girl.

“Nakaka-challenge kasi first time ko at saka lahat kasi ng nagawa ko ng movies, lalaking-lalaki ako, kontrabida, so ibang-iba talaga itong ‘Makata’,” kuwento ni Lance nang makatsikahan namin sa presscon ng Makata.

Natanong namin si Lance kung bakit parang mas napapanood siya sa indi films kaysa commercial films.

“Nag-start naman ako sa mainstream sa Viva rati, tapos sa TV naman huli ko ‘yung ‘Pieta’ (2008) tapos nominated ako for best supporting actor for foreign language film, ‘Gemini’ sa Madrid International Film Festival last July 2 – 11 eh, hindi ako pumunta kasi at that time may shoot naman ako,” kuwento ng aktor.

Maraming pelikulang nagawa na si Lance at lahat ay indi movies kaya hindi siya napapanood ng lahat.

Samantala, hindi pala nagkaroon ng trauma si Lance sa paggi-gym kahit na muntik mabura ang mukha niya nang mabagsakan ito ng bakal habang nagba-barbel siya.

“Life goes on, kasi kung iisipin mo ‘yung trauma, hindi ka makaka-move on. Dapat ‘yan ang matutuhan ng iba na nagkaroon ng aksidente, don’t give up!” ito ang payo ng aktor sa mga nakaranas ng hindi maganda sa buhay.

Masarap kakuwentuhan si Lance dahil napaka-open niya maski nga lovelife niya ay naikuwento niya at loveless daw siya ngayon dahil gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single.

“Simula noong 15 years old ako, may girlfriend na ako at hindi ako nawalan, last year lang kami naghiwalay ng girlfriend ko for eight years kaya pahinga muna ako.

“Masarap palang maging single,” tumawang sabi ni Lance.

Biniro nga namin na baka tumanda siyang binata, ”bata pa naman ako, ah?” mabilis na sagot ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …