WALANG kaabog-abog talaga na ibinuking ni Kris Aquino na hindi nagpapadala ng sustento ang ex-husband niyang si James Yap sa anak nilang si Bimby.
May nag-comment kasi na isang follower ni Kris sa Instagram at sinabing mabuti pa si James nagbibigay ng sustento at hindi katulad ni Phillip Salvador na naunang ibinuking ni Kris na walang sustento sa anak nilang si Joshua.
“@jovelynpf sorry to disillusion you, but we also don’t receive financial support from Bimb’s dad,” say ni Kris.
Palampasin kaya ni James ang pambubuking sa kanya ni Kris o umalma siya?
UNCUT – Alex Brosas