Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jao Mapa, saludo sa galing ni Coco Martin bilang aktor

 

00 Alam mo na NonieMASAYA si Jao Mapa sa pagiging abala niyang muli sa showbiz. Bukod sa TV series na Ang Probinsiyano ng ABS CBN na pagbibidahna ni Coco Martin, dalawang pelikula ang tinatapos ngayon si Jao.

“I hope ay dire-diretso na ito. Mula nang nag-sign ako kay Arnold Vegafria, maraming pumasok na projects. This is a good year, blessed,” saad ni Jao.

Sinabi rin ng dating member ng Gwapings na saludo siya sa galing ni Coco bilang aktor. “Second time na ito na nakatrabaho ko siya, yung una sa indie film na Condo. Bale ano, malupit naman, magaling talaga siyang artista. Karangalan na makasama siya sa isang teleserye.

“No more words are needed to say. He is a self-made man, he is very good with his craft. Nakikita ko na professional siya, kaya wala ka talagang masasabi, e. Kaya dapat ay magpakita ka rin ng galing para makasabay kay Coco. Kung hindi, kakainin ka niya ng buo sa mga eksena,” nakatawang saad niya.

Dagdag pa ng 39 year old na aktor, “Ang role ko rito, si SPO1 Fred Salas. Hindi ko pa alam kung saan pupunta yung karakter ko e. Medyo hindi pa namin yata natatapos yung isang linggo (episode) e. So hopefully, magde-develop pa yung karakter ko. Hindi ko pa alam kung bad cop or good cop ako rito.

“Sa movie naman, kasali ako sa Manila’s Fi-nest. Si Jeric Raval ang bida rito kasama rin sina Mark Anthony Fernandez at Bangs Garcia. Kontrabida ako rito, sina Mark at Jeric ang police rito.

“Kasama rin ako sa Tibak ni Direk Arlyn dela Cruz. Ang role ko rito ay si Luis Jalandoni na spokesperson ng NDF.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …