NGAYONG gabi ang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili concert ni Vice Ganda sa Pacific Grand Ballroom, Waterfront Cebu City Hotel na tiyak kaming full packed ito kahit na nagkaproblema sa billboard ads ng nasabing TV host.
Ipinatanggal daw ng City Administrator ng nasabing probinsiya na si Ms Lucelle Mercado, chairperson ng Cebu City Anti-Indecency Board (CCAIB) ang billboard ads ng concert ni Vice dahil indecent daw ang photos at hindi ito pinahihintulutan.
‘Sexually suggestive’ ang paglalarawan sa Vice Ganda, Gandang-Ganda sa Sarili billboard ads ni Vice na nakasuot ng pulang sexy dress at napaliligiran ng mga naka-topless na lalaki.
Tinanong namin si Vice kung ano ang komento niya sa isyung ito, ”wala ‘te, ‘di ko knows ang buong chika,” say sa amin ng Showtime at GGV host.
FACT SHEET – Reggee Bonoan