Last night po nanaginip aku na nanganak daw ko, aku lang po nagpaanak ng akong sarili at paglabas ng bata hindi umiiyak. At ako na rin po nag-cpr at nabuhay naman. Lalaki ‘yung anak ko sa panaginip, gwapo at maputi. Please po ano po ang kahulugan niya. Salmat po nakita ko kc yung number mo sa google kaya hndi aku nagdalawang isip na textsan (09083409344)
To 09083409344,
Kapag nanaginip na nagsilang o kaya ay nakakita ka ng ibang babaeng nanganganak sa iyong bungang-tulog, ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nanganganak sa bagong idea o proyekto. Ito ay nagre-represent din ng new attitude, fresh beginning o ng major event. Alternatively, posible rin namang ito ay pamamaraan upang kunin ang atensiyon mo hinggil sa inner child within you at ang potensiyal upang ikaw ay umunlad o mas umunlad pa.
Ang bungang-tulog hinggil sa baby ay nagsasaad ng innocence, warmth at new beginnings. Ang baby ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na maituturing na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself. Maaari rin namang may nabasa o napanood sa TV o pelikula o narinig sa kuwentuhan ng ukol sa mga baby o pagiging ina, kaya naging ganito ang tema ng iyong panaginip. Sa kabilang banda, maaaring ito ay isang fantasy o paglalaro ng iyong kaisipan at imahinasyon sa magiging scenario sa hinaharap o sa paghahanda mo sa bagay o panahon na paparating, tulad nga ng pagkakarooon na sarili mong baby (kung wala ka pang anak).
Señor H.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
