Ang Zodiac Mo (July 07, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Huwag mangamba kung paminsan-minsa’y ikaw ay nadadapa. Ang mahalaga ay palagi ka namang nakababangon.

Taurus (May 13-June 21) Kapag ikaw ay tumayo sa liwanag, tiyak mong ikaw ay magniningning. Lumabas ka sa dilim.

Gemini (June 21-July 20) Hayaang ang nakaraan ang iyong maging gabay patungo sa kinabukasan; bigyang pansin ang leksyon ng panahon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Iiwas ang sarili sa melodramas ng ibang tao; supisyente ang simpatya ngayon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Minsan, ang pagsasabi ng katotohanan ay higit na nakatutulong kaysa pagpoprotekta sa damdamin ng isang tao.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Mas mainam na gawin ito nang maayos kaysa muli itong ulitin; pagbuhusan ng panahon ang desisyon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag padadala sa kanilang pressure; hayaan na lamang sila. Maaga pa para magdesisyon.

Scorpio (Nov. 23-29) Walang silver bullet na maaaring makaresolba sa problema. Ngunit makatutulong ang panahon.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Minsan, ang halos perpekto ay sapat na. Hayaan na lamang ang ibang mga detalye ngayon.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Isulat mo sa papel ang iyong mga naiisip. Ang pagsusulat ang pinakamagandang paraan ng paglalarawan ng iyong damdamin.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Panatilihin ang focus. Huwag hayaang maistorbo ka ng hindi mahalagang mga bagay mula sa iyong ginagampanang tungkulin.

Pisces (March 11-April 18) Ang iyong abilidad na makapagtamo ng mga bagay ay limitado lamang sa iyong kakayahang makabagay sa bagong sitwasyon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sikaping huwag sumangkot sa ano mang hindi singtibay ng bato – hindi magkakamali ang iyong instinct ngayon.

ni Lady Dee