SHOWBIG – Vir Gonzales .
HINDI maganda ang pagsasagutan at pag-aawayan ng mga batang gumaganap sa Flor de Liza. Maging paggamit ng salitang bihirang gamitin ng bata. Ginagaya kasi ng mga batang nakakapanood nito ang nakikita sa palabas tulad ng barumbadong pagsagot.
Isang nanay ang nagkuwento na ang tatlong taon niyang anak ay lumalaban na sa kanya dahil sa impluwensiyang napapanood sa TV.
Sa mga ipinakikita nina Flor at Liza, nagmumukha raw matatandang bata ang mga ito dahil na rin sa mga ginagamit na pananalita.
Kaunting ingat po at sana mapansin ito at may gawin ditto ang MTRCB.