Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBB 737 txt vote, ibinaba sa P.50 mula sa P1 (Dahil mahina ang ratings…)

 

070115 Pinoy Big Brother PBB

00 fact sheet reggeeMUKHANG totoong mahina nga sa ratings ang PBB 737 dahil ibinaba sa 50 sentimos ang text vote na rating P1.

Nabanggit ito sa amin ng taga-ABS-CBN na hindi maganda ang feedback sa PBB 737 lalo na sa social media na karamihan ay negatibo ang komento.

Tinanong namin ang taga-PBB 737 kung bakit ibinaba sa singkuwenta sentimos ang text vote, “we want po na mas maraming ma-involve na audience.”

Ayun pala ang sagot para mas maraming makakasali, eh, ’di bumaba nga ang ratings, ‘di ba Ateng Maricris? (Parang nagsawa na siguro ang tao sa format ng PBB na parang ‘di na makatotohanan at scripted—ED)

At kaya pitong linggo lang ang airing ng PBB 737 ay dahil may kasunod daw kaagad, ano kaya, ang katandaan season?

Anyway, hindi maganda ang feedback sa mga batang sina Bailey, Ylona, at Barbie dahil may love triangle kaagad sa murang edad nila.

At si Barbie ay nag-e-emote na gusto nga siya pero nagpi-flirt naman daw sa iba si Bailey.

Susme, ang mga batang ito, may mga gatas pa sa labi, kung ano-ano na ang mga nasa isip. (‘Yan pa ang isang ‘di maganda sa PBB, mga bata pa puro love at kaharutan agad ang nasa isip—ED)

Sana maging salamin nila si Kamille na sa edad na 15 ay nagkaanak na.

Hmm, mukhang malakas sina Ylona at Bailey kaya hindi na kami magtataka kung isa sa kanila ang tanghaling grand winner ng PBB 737.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …