SOBRANG nagpapasalamat ang Filipino-Italian aktor-direktor na si Ruben Maria Soriquez sa pagkakapanalo niya ng Best Actor sa 2015 World Premieres Film Festival-Philippines na ginanap sa SM Mall of Asia Centerstage last June 28.
Napanalunan niya ito sa pelikulang pinagbidahan at pinamahalaan niya, ang Of Sinners and Saints na tinatampukan din nina Chanel Latorre, Polo Ravales, Raymond Ba-gatsing, Richard Quan, at iba pa.
“I didn’t expect it since this is my first acting role for a main film. Im so honored for this award, I wasn’t expecting it, a great surprise to me,” saad ni Direk Ruben.
Binigyan din niya ng papuri ang mga kasamahan sa pelikulang ito.
“She’s good and I’m happy that I chose her for the role,” saad niya kay Chanel.
Pati sina Polo at Raymond ay sinaluduhan din niya sa ga-ling dito bilang mga actor.
Ayon pa kay Direk Ruben, plano niyang ipalabas sa Italy ang pelikula nilang ito.
Nang usisain pa namin siya kung ano ang next movie niya, sinabi ni Direk Ruben na kailangan muna nilang mag-raise ng funds.
Pero gusto raw niyang maidirek sa susunod na pelikula niya sina Dennis Trillo, Lovie Poe, at Alvin Anson.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio