Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, super-iwas pa rin kay Dawn! (Siyam na taon na!)

UNCUT – Alex Brosas . 

063015 gretchen dawn

UNTIL now ay tuloy pa rin pala ang war of the roses between Gretchen Barretto at Dawn Zulueta.

Rumors have it na nag-isnaban daw sila nang umapir sa isang bonggang event for a lifestyle magazine.

Nang dumating kasi si Gretchen kasama ang partner na si Tonyboy Cojuangco ay namataan niya kaagad na paparating sina Dawn and her husband Anton Lagdameo. Ang drama ni La Greta, dali-dali raw nitong inaya si Tonyboy na pumasok na sa ballroom para hindi na sila magpang-abot ni Dawn. Super iwas daw si Gretchen kay Dawn.

It has been nine years na magkaaway ang dalawa and it seems na matatagalan pa bago sila magbati. It all started when we wrote the FIRST SCOOP of PEP, nang tawagin umano ni Dawn na prima donna itong si La Greta.

Nayabangan kasi si Dawn sa drama ni Gretchen during a pictorial for a magazine na kasama nila sina Angel Aquino and Ruffa Gutierrez.

Dumating si Greta na may dalang limang bodyguards at tatlong yaya. Bitbit din ng bodyguards niya ang male-maletang damit at sapatos, talagang akala mo ay dinala na ni La Greta ang kanyang buong kuwarto sa rami ng dalang damit at sapatos. Parang pang-isang buwan daw na wardrobe ang dala nito.

Ang nakakaloka pa, may bitbit na sariling microwave oven si La Greta para initin ang kanyang pagkain.

Hindi nagustuhan ni Gretchen ang prima donna tag sa kanya ni Dawn kaya naman hindi niya ito kinibo sa loob ng napakahabang panahon.

Actually, they both share something in common: pareho silang dating talent ni Bibsy Carballo at parehong talent ngayon ni Boy Abunda.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …