Thursday , October 3 2024

Bus companies at PUJ sa Batangas pinatatarahan ng PNP-TMG Batangas?!

batangas pnp-tmgMUKHANG nagkamali ang isang PNP major na sinabing bagong talaga riyan sa lalawigan ng Batangas bilang hepe ng PNP-Traffic Management Group (TMG).

For the benefit of the doubt, gusto muna nating paniwalaan na baka ginagamit lang ng kung sino-sinong pulis ang pangalan ni Chief Insp. Jeymar Maravilla, kasi bagong talaga palang siya diyan sa Batangas City.

Si Major Maravilla nga raw ang bagong hepe ng Batangas TMG.

Ang nakarating sa ating reklamo, mayroong ilang ‘kolektong-pulis’ ang ginagamit ang opisina umano ni Major Maravilla na tarahan ng 1k-2k sa loob ng isang buwan ang bawat bus na dumaraan sa Batangas city.

Ang lupeeet mo boy?!

Parang dinaig pa ang may sosyo sa mga transport group! Walang tosgas pero ang gusto may takits?!

And take note, hindi lang bus, kundi maging mga jeepney, tricycle at baka pati  mga UV Express.

Aba Major Maravilla, may alam ka ba riyan sa oplan pakilala ng ilang pulis mo riyan!?

What the fact!?

Parang Tazmanian devil na lahat ng daraanan ay  kakatasan.

DILG Sec. Mar Roxas Sir, mukhang naghahanap ng mga magagalit sa ‘yo ang PNP-TMG Batangas!?

Mukhang dapat mong kastigohin itong PNP-TMG Batangas na balak pa yatang dungisan ang iyong  pangalan ngayong nalalapit na ang iyong kandidatura?!

Mukhang gustong makatikim ng iyong disiplina ang mga kotong cops diyan sa Batangas?!

Sampolan mo kaya agad-agad, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *